Myths and Truths on Caring for Babies

August 24, 2012 at 2:30 pm 13 comments

Having a baby brings a lot of joy to the family.  However, taking care of a newborn is quite challenging. During the first days, weeks and months of the baby, mothers, especially first timers, seek support and help from their husbands, parents and in-laws on how to take care of their newborn.   In the Philippine setting, there are a lot of myths or “haka-haka” when it comes to taking care of infants that do not offer any benefit  and often times cause harm to the baby.

The Perinatal Association of the Philippines (PAP) came out with a pamphlet with the objective of giving truths to myths or misconceptions that have been passed down thru generations in our country on the proper way of taking care of newborn infants.  It is written in our vernacular, Filipino or Tagalog, for everyone to understand and relate to.  It is entitled ” Tamang Kaalaman na Dapat Malaman Sa Pangangalaga kay Baby”. Here are the 14 common myths (haka) and truths (dapat) that parents should know.

Haka:  “Sabi ni Lola bigkisan ko si baby para lumiit ang tiyan at huwag lumuwa ang pusod”

Dapat:  Ating dapat malaman na ang isang sanggol ay ginagamit ang tiyan sa paghinga.  Subalit, kung may bigkis, ito ay maaaring makapagpahirap sa paghinga at makasanhi ng pagsusuka ng sanggol.  Hindi liliit ang tiyan ng isang sanggol kapag ito ay binigkisan sa dahilan na ang kanilang tiyan ay sadyang malaki hanggang 3 taong gulang.

Haka:  “Sabi ni Lola, kailangan bigkisan para hindi maimpeksyon ang pusod”

Dapat:  Ang pusod ng sanggol ay kailangan nahahanginan upang ito ay mabilis matuyo.  Kapag ito ay nakulob, mamamasa it at maaring magkaimpeksyon na may kasamang mabahong amoy.

Haka:  “Naku madalas may kabag si baby, sabi ng matatanda lagyan ng acete de mansanilla ang tiyan”

Dapat:  Ang paggamit ng acete de mansanilla o alcamporado ay hindi makaaalis ng kabag.  Ang madalas na paggamit nito ay maaaring magdulot ng bahagyang pagkasunog ng balat.  Ang wastong pagitan ng pagpapadede at tamang pagpapadighay ang makapagpapabawas ng kabag.

Haka:  “Naku nagmumuta ang mata ni baby, lagyan ko  nga ng gatas ko para mawala”

Dapat:  Ang paglagay ng iyong gatas ay maaaring makasama sa mata ng iyong sanggol gawa ng mga protina na nasa gatas ng ina.  Maaaring sa umpisa ay linisin lamang ang mga mata ng bulak na may tubig.  Kundi man mawala ay mas magandang isangguni mo sa doctor upang mabigyan ng wastong lunas.

Haka:  “Madalas sinukin ang sanggol ko.  Ma sakit kaya siya sa puso o di kaya ay lumaki ang bituka?”

Dapat:  Ang pagsinok ng isang sanggol ay kalimitan nangyayari.  Hindi ito sa kadahilanang may sakit sa puso si baby.  Kundi, ito ay nangyayari kapag nabibigla ang pag-ubos ng kanyang dinedede.  Kaya ugaliin na ingatan ang pagpapadede.

Haka:  “Hay, Martes na naman bawal maligo si baby ngayon at gawa ng may pusod pa”

Dapat:  Ang pagpapaligo sa sanggol ay dapat araw-araw upang mapanatili ang kalinisan nito.  Bagkos kung ang pusod ay nakikita pa, ito ay maaaring mabasa huwag lang maibabad sa pagligo.  Makatutulong ang mahanginan ang pusod upang mapabilis ang pagtuyo nito.

Haka:  “Tatlong linggong gulang pa lang si baby, nilagnat siya, bibigyan ko na siya ng gamot”

Dapat:  Ang sanggol na wala pang isang buwan na gulang ay di maaaring agad-agad bigyan ng kahit na anong gamot sa lagnat.  Kadalasan ang sanhi ng lagnat ay ang masyadong pagbalot sa baby.  Kapag tuloy-tuloy o mataas ang lagnat (38°C pataas), dapat dalhin sa doctor upang masuring mabuti ang baby at Makita ang dahilan ng lagnat.

Haka:  “Si baby ay may sipon at ubo ngayon pababakunahan ko na siya kaso baka di kayanin”

Dapat:  Maaring bakunahan ang mga batang may sipon o ubo.  Ang karaniwang hindi maaaring bigyan ay ang mga sanggol na may mataas na lagnat o di kaya nagkaroon ng reaksyon gaya ng pag-convulsion pagkatapos maturukan.  Itanong sa inyong Health Care provider ang mga iba’t-ibang maaaring reaksyon ng bawat bakuna sa iyong sanggol.

Haka:  “Lalong nagkakasakit ang anak pagbinakunahan, kaya di ko na siya pababakunahan”

Dapat:  Ating isipin na ang mga bakuna ay makatutulong sa pag-iwas ng mga sakit na maaaring ikamatay ng isang sanggol o bata.  Kaya dapat hikayatin ang lahat ng magulang na ipagpatuloy ang pagbigay ng bakuna sa kanilang mga anak.

Haka:  “Naku! Limang beses na nagtatae ang anak ko, malambot at madalas nangangamba ako baka anong mangyari”

Dapat:  Ang pagtatae ng tatlo o higit pa ay karaniwan nangyayari sa isang sanggo lalo na kung ito ay gumagatas sa ina.  Dapat kang mangamba kung ito ay higit sa pitong beses ng pagdumi, matubig, may kahalong bahid ng dugo, sipon, o di kaya may mabahong amoy.  ito ay ikonsulta mo sa pinakamalapit na center o ospital.

Haka:  “Iyak ng iyak si baby, nilalagnat at nagtatae. Nag-ngingipin yata”

Dapat:  Ang isang sanggol ay maaaring magkaroon ng ngipin simula anim na buwan pataas.  Walang katotohanan na ang pagtatae at pagkakaroon ng lagnat ay sanhi ng paglabas ng ngipin.  Upang hindi mabahala, kailangan mong isangguni sa doctor ang dahilan ng kanilang pagtatae at pagkakaroon ng lagnat.  Maaari ring magbigay ng malamig na “teether” upang maibsan ang kirot at pamamaga ng gilagid ng baby.

Haka:  “Naku, ano ba ito! Puro rashes ang baby ko di kaya sa kinain ko kanina”

Dapat:  May katotohanan na maaaring sa pagkain ang sanhi ng paglabas ng rashes ng baby mo.  Subalit, maaari ito kung may lahi ng allergy ang isa o parehong magulang.

Haka:  “Wow! Sarap naman kumain ng karne at taba makakatulong ito sa paglaki ng aking anak”

Dapat:  Napakahalaga sa isang bagong panganak ang wastong pagkain ng carbohydrate, protein at fat upang sa ganun ay makuha ng isang sanggol ang tamang nutrisyon na makatutulong sa paghubog ng katawan at isipan.

Haka:  “Naku, tatlong buwan na si baby pakakainin ko na, bibigyan ko siya ng mga lugaw lang.”

Dapat:  Ang unang pagkain ng sanggol ay sinisimulan sa  6 na buwan.  Mga simpleng nilagang gulay lamang ang maaaring ibigay sa umpisa ng pagpapakain.  Isang bagong pagkain bawat lingo ang dapat ibigay sa unang buwan ng papapakain.  Ang paglaki ng bata ay mabilis sa unang taon nito.  Tatlong beses ng birth weight (3x the birthweight) sa pagbigat at limampung porsyento (50%) ng birth length naman sa paghaba.  Kailangan ng pagkain para sa enerhiya at mabilis na paglaki ng kanyang katawan.

Advertisements

Entry filed under: Feature Article. Tags: , , , , .

What is Dengue? Health Advisories on Flood Related Diseases

13 Comments Add your own

  • 1. Thotche  |  February 4, 2013 at 12:43 am

    Hihingi po ako ng tulong sa inyo about sa health ng anak ko. 1year and 7months na po anak ko 2months na po ubo at sipon, nagpunta na kmi sa doctor di pa rin gumaling. Ang bunso ko po ay sinisipon cguro nahawa sa panganay, ang kanyang tae ay mabasa, yellow at kung minsan yellow green, 1month at 25days na po ang edad.Ano po aking gagawin ?ang inyong sagot ay napakalaking tulong.salamat.more power

    Reply
    • 2. pinoykidsmd  |  February 4, 2013 at 3:17 pm

      Sa pediatrician po ba kayo nagpatingin? yung specialista sa bata? masmabuti po na mag follow up kayo o magpa check up ulit para mas maimbestigahan ang sanhi ng pag uubo. Mas mabuti masilip ulit ang lalamunan at mapakinggan ang likod/dibdib. Pwedeng ang pag uubo at sipon ay dala ng bacteria at kailangang mag antibiotic o di kaya maari ding dala ito ng allergy lalo na kung mayroong hika sa pamilya o di kaya may nakakaallergy sa kapaligiran tulad ng paninigarilyo o alikabok. Kung madalas at paulit ulit ang sintomas na ito, baka kailangan din siyang ma x-ray lalo na kung may ibang mga matatandang nag uubo sa bahay ninyo. Ang baby mo din na 1 month ay kailangan din matingnan ng doctor dahil mas mababa ang immune system ng mga bagong panganak.

      Reply
  • 3. jasmin gonzales  |  April 14, 2013 at 1:53 am

    since birth po kc nagluluha na ung mata ng baby koh..3 mants na xa ngayon..nagmumuta parin ung eyes niya.. delikado napuh ba yon sa mata ng baby koh?

    Reply
  • 4. ronalyn  |  June 3, 2013 at 4:56 am

    yung anak ko po malaki n ung puxod niya 7months n po cia aanu g2win qoe

    Reply
  • 5. mj  |  July 7, 2013 at 11:34 am

    kailangan ng sanggol ay ang aruga ng magulang na may kasamang haka lamang..

    Reply
  • 6. jay ann  |  July 24, 2013 at 6:47 am

    hello po..itatanong ko lang po sana kung natural lang ba sa isang baby na nag ngingipin ang magkaron ng lagnat at rashes sa ibat ibang parte ng katawan?hindi po kaya masama ito para sa 8 buwan na gaya nya?kailangan ko na po ba ikonsulta sa doktor?at ipinagtataka ko lang din po,unang tubo ng ngipin nya sa taas po agad?salamat po..

    Reply
  • 7. Kziel  |  September 27, 2013 at 4:21 pm

    May tanong lang po ako, yung anak ko po 1 year old na, s26, promil gold ang gatas nya, pero nung nagswitch kami sa progress gold parang nagtae sya, pero wala naman po syang sakit o kahit ano, actually tumaba pa nga sya at matakaw pa din sa gatas. May kaso po ba ito?

    Reply
  • 8. carmela padilla  |  October 22, 2013 at 11:31 am

    bawal ba linisin ang pusod kapag buntis?

    Reply
  • 9. catherine  |  January 31, 2014 at 12:55 am

    paano po malunasan ang taon?

    Reply
  • 10. kristel rosarito  |  March 27, 2014 at 1:04 pm

    Kaylang ko po ng tulong nyo po. Ang baby ko po ay 10 months old po tinubuan po kase sya ng ngipin bagong tubo lang po dalawang araw na po syang nilalagnat 38 hanggang 39 C ang temperature nya po bababa po tas magiging 39 C po. Ano po bang dapat kung gawin at ano po bang maganda pong gamot na pwede ko pong ibigay kay baby.

    Reply
  • 11. rubigenjurial  |  June 18, 2014 at 12:08 am

    kailangan q po ng tulong.itong bb q 2 mons,ung dumi po nya may kadamang dugo.

    Reply
  • 12. mary ann suan  |  July 17, 2014 at 8:45 am

    help po my mga diarrhea ung kambal ko pano b ggwin ko ayw nila magsikain pano mbubuo dumi nila pansin ko p kpag nmn my kinain cla at ininom tsaka cla ngpoop ng halos tubig n nga e..ano b mga pwd ko gawin 1 yearand5 months plang cla,,,taz isa p un 4years old ko ngkron ng chicken pox pano b di mhhawa ibang anak ko ,,

    Reply
  • 13. bhel  |  July 31, 2014 at 11:12 am

    hi po..ano po dpt gwn kapg my naamoy n mabaho s pusod n baby?almost 1 wik plng po xa..tnx po

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Twitter Updates


%d bloggers like this: